SI PAWI

At Ang Kaniyang Mundong Ginagalawan

A story about a Pawikan named Pawi and a Mangrove called Groovy.

Photo by Arūnas Naujokas on Unsplash


Read all about the story of Pawi by clicking on the image above! Follow Pawi’s words and flip through this audio-visual story book.
Gusto ko ng malinis na kapaligirang walang kapahamakan para malaya akong makapaglakbay sa iba’t ibang bahagi ng lupa at karagatan.”
Hit the stop button should you need to listen to other videos and materials in this page. Music by bummies.

Meet the characters and Pawi & Groovy in storybook form!

Si Pawi, ang Pawikan.
Photography by Aldino Hartan Putra, Unsplash

Siya ang inyong tapat na kaibigang pawikan. Mabagal man siya sa inyong paningin, ngunit kalikasan ay panghabambuhay niyang mamahalin. Hatid niya ay kwento ng kalikasan mula sa kaniyang karanasan bilang isang batang pawikan. Naniniwala siya sa kahalagahan ng pagkakaisa upang maprotektahan ang kalikasan at tinataglay na yaman nito.

Si Groovy, ang Bakawan.
Photography by Brandon Green, Unsplash

Siya ay isang matibay, malakas at masiglang bakawan. Tinitingala siya ng mga tao sa komunidad dahil sa kaniyang angking galing para sa kanyang kapwa-bakawan, sa aming mga pawikan, sa mga isda at ibon, pati na rin sa mga tao.

Ikaw, Ako, Tayo.
Photography by ISO

Bahagi ang bawat isa sa kwento ni Pawi. Ikaw, ako, tayo— Responsibilidad nating magmasid-masid at makilahok nang buong puso sa kung ano ang ginagawa ng ating komunidad upang mas mapangalagaan ang kalikasan.

Pahapyaw sa Nilalaman

Ready, set, aksyon!

Buksan ang iyong
mga mata.

Hindi lahat ng makukulay sa ating paningin ay maganda.

‘Wag kalimutang magmasid-masid kung ano ang nangyayari sa ating kapaligiran. Panahon na upang harapin ang katotohanang dapat na tayong kumilos para sa ikabubuti ng kalikasan at ng ating buhay.

Buksan ang iyong bibig.

Hindi lahat ng nasasaktan ay nakakapagsalita.

Magsilbing boses ng kalikasan upang malaman ng mas maraming tao ang kwento nito. Panahon na upang hindi manatiling tahimik sa pagkasira ng ating kapaligiran dahil sa kapwa-tao.

Buksan ang iyong mga tainga.

Hindi lahat ay naririnig ang tawag ng nangangailangan.

Pakinggan ang hinaing ng bawat likas na yaman. Gayon din, pakinggan ang anyaya ng inyong mga kapamilya, kaibigan, at kapit-bahay sa mga programang naghahatid ng kaginhawaan para sa kalikasan. Panahon na upang hindi magbingi-bingihan at mag-ambag para sa kinabukasan ng lahat.

Isa, Dalawa, Tatlo

Ano ang magagawa mo para sa kalikasan at mga bakawan?

Like, Follow, Subscribe. Ang social media ay isang napakalakas na kasangkapan upang maipaalam ang mga kasalukuyang pagsisikap at programa para sa kapaligiran, lalo na para sa pangangalaga ng mga bakawan. Maraming government at non-government organizations ang umaasang makakuha ng suporta mula sa mga ordinaryong mamamayan katulad mo, kahit sa pamamagitan ng pag-follow at pag-share ng kanilang mga platform.

Click. Huwag kalimutan na ma-capture ang iyong mga karanasan tungkol sa pangangalaga ng kalikasan upang ibahagi ang iyong kwento sa buong mundo! Tandaan ding mas mabuting maging maalam sa mga kasalukuyang updates at kaganapan, lalo na sa iyong mga lokal na komunidad. Kailangan nila ang iyong pakikilahok!

Tok-tok-tok Katok! Ang mga proyekto at pagkukusa sa kapaligiran ay nangangailangan ng mga mapagkukunang pampinansyal. Sa limitadong pondo na naranasan ng kapwa mga samahan ng gobyerno at hindi pang-gobyerno, ang ating kontribusyon sa pananalapi ay magiging malaking tulong sa pagkamit ng tagumpay sa pangangalaga at pagprotekta sa mga bakawan.

Photography by Driftime® Media, Unsplash

Teka!

Muling pinapaalala ni Pawi, ang iyong tapat na kaibigang pawikan!

%d bloggers like this: